Sa pagtataguyod ng programa para sa mga miyembro ng Third District Civilian Volunteer Organizations, nagtungo ang mga kawani sa pamahalaan ng ating lalawigan na sina Governor Ramon Guico III, Vice Governor Mark Lambino, BM Shiela Baniqued, dating BM Angel Baniqued, BM Vici Ventanilla, Mayor Karl Christian Vega ng Mapandan, at si Ms. Dang Manaois sa Calasiao Sports Complex, ngayong araw upang ipamahagi ang social amelioration aid para sa ating mga CVOs.
Ipinaabot ni Mayor Kevin Roy Macanlalay kasama sina ABC President Patrick Caramat, Councilor Gerald Aficial, Councilor Elias Villanueva, Councilor Ardieson Soriano, at Councilor PJ De Vera ang kanilang pagkilala sa ating mga CVOs, sa kanilang dedikasyon at serbisyong publiko at ang kaniyang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Pangasinan.