Mula sa direktiba ni Punongbayan Joseph Arman C. Bauzon, agad na nagsagawa ng sanitation at disinfection operations sa Purok 4 at household sa Purok 6 sa Brgy. Cabilocaan upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Nakipagtulungan din sa nasabing disinfection ang BFP Calasiao at Municipal Health Office at upang pag igtingin pa ang seguridad at kaligtasan ng ating mga kabaleyan, pinapairal ngayon ang Enhanced Community Quarantine sa nasabing lugar sa tulong ng POSO at PNP Calasiao. Bukod pa rito, namigay rin ng facemask at faceshield ang lokal na pamahalaan para sa mga frontliners ng barangay.