Relief Distribution in Zone 3, Macabito

RSS
Facebook
Twitter

Kasalukuyang pinapairal ngayon ang Zonal Lockdown sa Brgy. Macabito (Zone 3) matapos ipahayag ng Pamahalaang Lokal ng Calasiao ang tatlong karagdagang kaso ng CoViD-19 sa bayan. Ayon na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force at ng DOH na kailangang isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang nasabing lugar.

Dahil sa kautusang manatili sa kani-kanilang mga tahanan, agad namang umaksyon ang Lokal na Pamahalaan ng Calasiao sa pamimigay ng mga relief goods sa mga residenteng apektado ng zonal lockdown.

Hinihikayat din ni Punong Bayan Joseph Arman C. Bauzon ang lahat na makiisa at makipagtulungan sa opisyal ng barangay at makipag ugnayan sa itinalagang Command Post sa naturang lugar, at ipagdasal na rin ang agarang paggaling ng mga kabaleyan nating tinamaan ng sakit dala ng CoViD-19.

Related Articles

January 27, 2025(4)
MAYOR KEVIN ROY MACANLALAY CONTINUES TO SERVE WITH UNWAVERING DEDICATION
January 18, 2025(2)
GUICONSULTA SA CALASIAO, MATAGUMPAY NA IDINAOS
January 15, 2025(3)
SUPER HEALTH CENTER WILL SOON RISE