Pinarangalan kahapon ang ating mga huwarang guro sa PROJECT DARNA (District Assessment on Reading Needs and Abilities) ng DepEd, Teachers With Zero Non-Readers SY 2023-24.
Kasama si Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay, na kinatawan ni Executive Assistant Miguel Luis Sto Domingo, ipinaabot ang mensahe ng suporta at inspirasyon sa ating mga magigiting guro.
Ang programang DARNA ay naglalayong magbigay ng tamang gabay sa ating mga mag-aaral sa pagbabasa upang higit nilang maunawaan ang kanilang mga aralin.