Nakipagpulong ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) kay Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay, SK Federation President Narayana Rsi Das Mesina, Municipal Administrator Romalyne Q. Macanlalay, Legal Consultant Atty. Noah C. Siapno, Engr. Kier Bajao at Tourism Officer Tammy Fernandez ukol sa pagpapatayo ng historical marker sa bayan ng Calasiao.
Naganap sa Bayan ng Calasiao ang makasaysayang pagtawid ng unang Pangulo ng Pilipinas, General Emilio Aguinaldo at kaniyang hukbo sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kasunod na pagpapasinaya ng Treaty of Paris.