Mayor JAB’s Traditional Birthday Celebration with the STAC-SPED

RSS
Facebook
Twitter
Simula ng maluklok at manungkulan si Alkalde Joseph Arman C. Bauzon bilang Ama ng Bayan ng Calasiao, naging tradisyon ng ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang mga batang kabilang sa STAC-SPED o ang mga children with special needs. Sa tuwing sasapit ang ika-7 ng Setyembre, naghahatid ng tuwa at saya ang butihing Alkalde para sa mga batang ito, kaya naman mas nagiging espesyal ang selebrasyon ng kanyang kaarawan taon taon.
Sa pagkakataong ito, hindi muna nagkaroon ng magarbong pagdiriwang si Mayor JAB kasama ang mga STAC-SPED beneficiaries dahil sa banta na rin ng COVID-19. Ngunit hindi ito naging hadlang upang makapagbigay ng saya at makapaghatid ng munting regalo sa mga bata.
“May espesyal na puwang ang mga batang ito sa aking puso, kaya nilalaan natin ang araw ng aking kapanganakan upang makapiling at mapaligaya sila kahit sa simpleng paraan lang” pahayag ng Alkalde.
“Ito na sana ang ikalimang taon na makakasama ko ang mga Pinablin CWDs sa aking birthday. Every year nila akong pinupuntahan para sa celebration. This year, ako naman ang personal na pupunta sa kanila para makapag abot ng munting regalo”, dagdag pa ng Punong Bayan.

Related Articles

January 27, 2025(4)
MAYOR KEVIN ROY MACANLALAY CONTINUES TO SERVE WITH UNWAVERING DEDICATION
January 18, 2025(2)
GUICONSULTA SA CALASIAO, MATAGUMPAY NA IDINAOS
January 15, 2025(3)
SUPER HEALTH CENTER WILL SOON RISE