Sa paggunita ng LGU Calasiao sa National Disability Rights Week, sa pangunguna ni Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay, isang makabuluhang regalo ang ipinagkaloob sa ating mga kababayan na nangangailangan. Ang bawat wheelchair ay simbolo ng pag-asa at pagmamahal, isang hakbang patungo sa mas maginhawang buhay. Sa tulong ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dra. Gemma Rodrigo at MSWDO sa pangunguna ni Ma’am Editha Gorospe, tunay na naipadama natin ang malasakit sa bawat isa.