Pinuno ng gangsters at glamour queens ang Sports Complex sa pagdiriwang ng Employees’ Night kagabi. Sa pagtatapos ng taon, binigyang halaga ng ating mahal na Punong Bayan Kevin Roy Q. Macanlalay ang pagkakaisang umiral, kapatawaran sa kapwa, talentong namayagpag sa ating mga kawani at ang walang sawang dedikasyon ng municipal employees ng LGU Calasiao.
Dinaluhan ang Employees’ Night ni Congresswoman Rachel Arenas via Madam Jessica Guico, Senior Board Member Shiela Baniqued, Board Member Vici Ventanilla, Vice Mayor Nestor Gabrillo, Liga ng mga Barangay President Patrick Caramat at ng ating Sangguniang Bayan members.
Kinoronahan si Christian Turalba ng HRMO bilang Star of the night Gentlemen Category at Reshainne Ann Parayno bilang Star of the night Ladies Category. Inuwi naman ng Finance Team ang Championship sa Tiktok Dance Group Competition, sa kanilang dance entry na may opening salvo na “Salamin” ng Bini.