Lubos na ipinagmamalaki ng LGU Calasiao ang kabataang Calasiaoeño.
Nagwagi bilang KAMPIYON ang ating magaaral mula sa Calasiao Comprehensive National High School na si VERGEL JOSEPH sa 2024 Regional Schools Press Conference (RSPC), Sports Writing English Category, Secondary Level. Tanging si VERGEL JOSEPH ang High School National School Press Conference (NSPC) Qualifier sa Pangasinan I.
Samantala, inuwi ni Ariane Gail N. Soriano ng Brgy. Dinalaoan ang SILVER AWARD sa ginanap na ASIAROPE Olympiad – Journalism International Round, News Writing, Category 4, noong May 25-28, 2024 sa Shatin, Hong Kong.
Muling umani naman ng parangal si Samina Alexanda Roy ng Brgy. Dinalaoan nang maiuwi niya ang BRONZE AWARD sa ginanap na Global League of Winners, Inc. Southeast Asia Computer Science Olympiad (SEASCO), International Round at Global League of Winners, Inc. Global English Language Olympiad of Southeast Asia (GELOSEA), International Round noong April 27-30, 2024 sa Da Nang, Vietnam at BRONZE AWARD sa ginanap na ASIAROPE Olympiad – Journalism International Round, Science, Category 4, noong May 25-28, 2024 sa Shatin, Hong Kong.
Ikinararangal din ng LGU Calasiao ang Hat Tribune, ang School Paper Publication ng CCNHS, na wagi bilang SECOND PLACER sa Layout and Page Design sa ginananap na 2024 Regional Schools Press Conference (RSPC) at sa pagiging Qualifier sa National School Press Conference (NSPC).
Sa Flag Raising Ceremony na ginanap ngayong araw, ang lokal na pamahalan ng Calasiao ay nagbunyi!