Kaugnay ng tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bayan, agad na umaksyon ang Lokal na Pamahalaan ng Calasiao na pinamumunuan ni Alkalde Joseph Arman C. Bauzon at agarang nagsagawa ng disinfection operations sa isang purok sa Brgy. Buenlag, kung saan apat na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala mula rito, ika-14 ng Setyembre. Sa pakikipagtulungan ng BFP Calasiao, nagsagawa din ng flushing sa kalsada at mga daan sa nasabing lugar.
Muling nagpapa-alala ang ang pamahalaang lokal at pamunuan ng Municipal Health Office na mariing sumunod sa mga alituntuning ipinapatupad ukol sa safety health protocols.








