Mula sa inisyatibo ni Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay, nagsama-sama ang PNP Calasiao, MDRRMO, MENRO at Bued Barangay Council upang imbestigahan ang lugar kung saan natagpuan ang pinagbalatan ng ahas na nagdulot ng takot sa mga residente ng Brgy. Bued, Calasiao. Ayon sa vlogger/ snake rescuer na si PrincessTuklaw, ito ay maaring isang ‘Reticulated Python’, na may edad na halos 30, at may habang 16-25 feet.
Para sa kaligtasan ng lahat, mahigpit na ipinagbabawal ng PNP at Barangay ang pagpunta sa nasabing lugar dahil ito ay pinamumugaran pa ng iba’t ibang klase ng ahas.
Emergency Hotlines:
BUED BARANGAY HALL / KGD. MARCIAL PEREYRAS – 09282168897
MDRRMO – 09326668199 / 522-3924
PDRRMO – (0918) 934 5754 / (0998) 584 6867
PNP CALASIAO – 529-2178 / 09985985114
CALASIAO MAYOR’S OFFICE – 529-2523
DENR ILOCOS REGION – 0968 676 9862