Sa pagkakaisa ng LGU Calasiao, DOLE Region 1, at PESO Office Calasiao sa pamumuno ni PESO OFFICER Mr. Rogelio Montoya ay inilunsad noong Marso 8, 2024 sa Municipal Lobby ang “Awarding of DOLE Assisted Livelihood Project” para sa ating mga Calasiaoeñong balut vendors. Layunin ng programa ang pagpapalakas ng negosyo at patuloy na pagpapaunlad ng ating mga kababayan.