Nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw, Enero 21, 2021 na pinangunahan ni Punong Bayan Joseph Arman C. Bauzon kaugnay ng pagpapatuloy ng road clearing operations sa ating bayan ngayong taon. Tinalakay din ni Municipal Local Government Operations Officer Mdm. Marilou B. Geslani ang DILG Memorandum 2020-145 na may kinalaman sa muling pagpapatupad ng road clearing sa lahat ng lokal na pamahalaan. Ipinaliwanag nya rin sa nasabing pagpupulong ang mga alituntunin o guidelines sa pagsasagawa ng road clearing validation at mga forms na kailangang sagutan ukol dito. Ang Validation Team ay binubuo ng mga kinatawan mula sa DILG, PNP, BFP at ng CSO.