Mayor Joseph Arman Bauzon Welcomes the Visiting Provincial Government Employees

RSS
Facebook
Twitter
Buong galak na sinalubong ni Punong Bayan Joseph Arman C. Bauzon sa kanyang tanggapan ang mga empleyado mula sa Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw, ika-25 ng Nobyembre, 2020 sa kanilang pagbisita sa bayan ng Calasiao.
Inilatag, ipinakilala at tinalakay nila ang programa ng Provincial Government sa pamumuno ni Gov. Amado ‘Pogi’ I. Espino III na tinatawag na Abig Pangasinan. Ito ay naglalayong matulungan ang ating mga kababayan sa pagbangon sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Ilan sa mga programang ito ay ang Kalinisan Karaban kung saan maaring ipagbili ang mga plastic bottles, shampoo sachets, food wrappers at papalitan ito ng mga grocery items, cellphone load, gamot o kaya naman school supplies.
Iba’t ibang produkto naman mula mga barangay sa bayan ng Calasiao at iba pang bayan sa probinsya ang itatampok sa Food Production Support Project. Kasama rin sa naturang karaban ang Abig Laman na mamimigay ng libreng konsultasyon kabilang ang medical at pediatric services, laboratory tests at libreng mga gamot para sa mga Calasiaoeños.
Buong pusong nagpasalamat naman sina Evan Gladish Domalanta, Provincial Government Department Head for General Services, Melody Claire Sison, GSO- Solid Waste Management Unit, BM Jerome Vic Espino, SK Pangasinan Federation President at Bb. Rodhalin Binay-an, Provincial Health Office Coordinator, sa mainit na pagtanggap sa kanila ng butihing alkalde kasama ng mga punong barangay.

Related Articles

January 27, 2025(4)
MAYOR KEVIN ROY MACANLALAY CONTINUES TO SERVE WITH UNWAVERING DEDICATION
January 18, 2025(2)
GUICONSULTA SA CALASIAO, MATAGUMPAY NA IDINAOS
January 15, 2025(3)
SUPER HEALTH CENTER WILL SOON RISE