Public Cemetery will be Closed from October 28 to November 3, 2020

RSS
Facebook
Twitter
Alinsunod sa Resolution No. 72 na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID), nakatakdang ipasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo simula ika-28 ng Oktubre hanggang ika-3 ng Nobyembre sa obserbasyon ng Undas ngayong taon.
Kaugnay nito, agad na nagpulong ang Local IATF na pinamumunuan ni Alkalde Joseph Arman C. Bauzon upang talakayin ang mga hakbanging gagawin at ipapatupad na guidelines sa nalalapit na araw ng mga yumao. Tanging tatlumpong porsiyento (30%) na kapasidad ng mga sementeryo lamang ang papayagan at kinakailangan pa ring sumunod sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield pagpapanatili ng isang metrong distansya.
Kasama sa nasabing pagpupulong sina Calasiao Chief of Police, PLt.Col. Ferdinand de Asis, Municipal Health Officer Dr. Jesus Arturo de Vera, Public Health Nurse Katrina Laforteza, MDRRM Officer Freddie Villacorta, Municipal Administrator Marc Jerome Gabrillo, POSO Chief Reynaldo Bugayong at ibang kinatawan ng PNP at BFP Calasiao.

Related Articles

January 27, 2025(4)
MAYOR KEVIN ROY MACANLALAY CONTINUES TO SERVE WITH UNWAVERING DEDICATION
January 18, 2025(2)
GUICONSULTA SA CALASIAO, MATAGUMPAY NA IDINAOS
January 15, 2025(3)
SUPER HEALTH CENTER WILL SOON RISE