Saku-sakong bigas at kahon-kahong mga de lata at noodles ang muling ipininamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan para sa Pinablin Calasiao, ika-24 ng Hunyo, 2020.
Buong pusong tinanggap ni Alkalde Joseph Arman C. Bauzon kasama si MDRRM Officer Freddie Villacorta, MSWD Officer Editha Gorospe at mga Punong Barangay ang ipinagkaloob na ito ni Gov. Amado “Pogi” I. Espino III para sa ating bayan.
Ito na ang pangatlong pang ayuda o 3rd wave na ibinahagi ng Provincial Government bilang suporta sa mga isinasagawang relief operations ng bayan ng Calasiao para sa 24 nitong barangay.
Muling ipinapaabot ng butihing Gobernador at ni Alkalde JAB ang kanilang pasasalamat sa lahat ng nakikipagtulungan sa lahat ng gawain upang masugpo ang CoVid19 sa ating probinsya at sa lahat ng bayan.