KALAYAAN 2020- Tungo sa Bansang Malaya, Nagbabayanihan at Ligtas

RSS
Facebook
Twitter

Buong layang nakikiisa ang Pamahalaang Lokal ng Calasiao sa pagdiriwang ng ika-122 Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas na may temang: KALAYAAN 2020- Tungo sa Bansang Malaya, Nagbabayanihan at Ligtas (Towards a Free, United and Safe Nation). Pinangunahan mismo ni Punong Bayan Joseph Arman C. Bauzon, kasama ang ating Municipal Health Officer Dr. Jesus Arturo De Vera, BFP Calasiao at ang buong kapulisan ng PNP Calasiao.

Ayon kay Alkalde Bauzon, bagamat payak ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ngayong taon, inaalala rin natin sa ating pagdiriwang ang mga makabagong bayani na nagsakripisyo ng kanilang oras, lakas at maging ang kanilang buhay para maging at manatiling ligtas ang ating bayan sa panahon ng pandemya dulot ng CoViD19 – ang ating magigiting na mga FRONTLINERS.

Related Articles

January 27, 2025(4)
MAYOR KEVIN ROY MACANLALAY CONTINUES TO SERVE WITH UNWAVERING DEDICATION
January 18, 2025(2)
GUICONSULTA SA CALASIAO, MATAGUMPAY NA IDINAOS
January 15, 2025(3)
SUPER HEALTH CENTER WILL SOON RISE