Frequently Asked Questions:
1. Ano ang mga dadalhing requirements sa pag rehistro ng aking anak na 1-4 years old?
sagot: Original na Birth Certificate galing sa munisipyo or sa PSA tapos national ID ng magulang either yung plastic, papel or digital National ID.
2. Paano pag wala pa akong National ID? pero naka rehistro na ako.
sagot: dalhin ang transaction slip para tignan ang status ng inyong NAtional ID. Mag imbita na ng kamag anak na may National ID na para tumayong guardian ng inyong anak. Need mo pa rin magpakita ng ID na ikaw nga ang anak ng Bata.
3. Paano kung di pa ako nakapag rehistro? pwede bang mag rehistro ang anak ko?
Sagot. OO. Pero need mo pa rin magparehistro at magsama ka ng Guardian na may NAtional ID na, na i authorize mo para sa anak mo.
4. hindi pwede ang xerox ng birth certificate?
sagot: Hindi po. Kailangan Original para malinaw ang pagscan ng inyong mga supporting documents. Ibabalik ang mga supporting documents nyo
5. pag 5 years old pataas na ang mga anak namin need pa din ba ng national id ng magulang?
sagot: Hindi na pero need namin makita na kayo nga ang magulang or guardian ng ipaparehistrong bata. pwede magdala ng alinman sa mga sumusunod:
original na birth certificate from LGU or PSA, school ID, passport, driver’s license, UMID ID, voter’s certification / id, senior citizen id, company ID, Police / NBI Clearance.
6. So pwede pa magparehistro ang mga matatanda na?
sagot: meron pong nakalaan na Lane for Adults and priority lane for senior, PWD and Pregnant women.
7. Paano pag wala ako kahit isang dokumento or ID?
sagot: Hangga’t maari kung may ID po or supporting document yun ang gagamitin natin pero kung wala talaga ay maaring mag request ng barangay certification na may kumpletong detalye tulad ng :
1. Full Name
2. Birthday
3. Birth Place
4. Sex
5. Permanent and Present Address
6. 2×2 picture na naka kadikit sa barangay certificate
PAALALA: tanging ang mga FIRST TIME LAMANG magpa rehistro ang iki cater po ng aming mga registration sites. Bawal po ang doble or mulitple registrations.
Kung wala pa ang inyong NAtional ID dalhin nyo po ang inyong transaction slip para makita natin ano ang estado ng inyong national ID. MAarin din subukan i download ang inyong Digital National ID. i access lamang ang link na ito
national-id.gov.ph
National ID