Pinulong ni Alkalde Joseph Arman C. Bauzon ang mga Punong Barangay sa bayan upang talakayin ang mga hakbanging gagawin kaugnay ng tumataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan.
Kasama sa naturang pagpupulong sina Municipal Health Officer Dr. Jesus Arturo de Vera, Municipal Local Government Operations Officer, Mdm. Marilou Geslani, Municipal Administrator Marc Jerome Gabrillo at Hepe ng Pulis Calasiao PLtCol. Ferdinand De Asis.
Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong na pag-igtingin at lalong higpitan ang mga implementasyong ipinapatupad ng Local IATF. Hinihiling ng pamahalaang lokal na makipagtulungan ang bawat mamamayan upang mas mapabilis ang pagsugpo natin sa pandemya dulot ng COVID-19.

